Kung minsan, hindi ko maiwasang isipin yung una tayong nagkakilala.. May mga panahon na tinatanong ko yung sarili ko, kung dapat bang pagsisihan na minahal kita? At kung bakit pinilit ko na mahalin mo din ako?
Pero kapag naalala ko yung panahon na sobrang Masaya tayo,
yung parang tayo lang yung tao sa mundo. Yung mga panahon na walang pwedeng
makapag hiwalay sa atin.. Ayokong Pagsisihan.
Bakit kaya may mga pagkakataon na nagbibigay si God ng
blessings sa buhay natin, na sobrang magiging maligaya tayo at magpapabago ng
ikot ng mundo mo, pero bandang huli babawiin niya din?
Dapat pa bang isisi sa Diyos? Kung hindi natin
napagtagumpayan ang mga hamon ng buhay na kinaharap natin?
Or dapat na lang tayo maging Masaya? Sa lahat ng bagay na
natutunan natin habang maligaya tayo sa piling ng isa’t-isa?
Pero nang hiniling kita sa Diyos, pinagkaloob ka naman niya.
Makasarili bang humiling ulit sa kanya na sana tayo na hangang sa panahong
walang takda?
O mas mainam na lang ba na hilingin ko, na sana mabuhay ako
ulit? Dahil sa pagkakataong nawala ka, Namatay yung puso ko.
Yung gigising ka sa umaga, naghahanap ka ng saya.. kahit na
matirik ang araw, parang kay dilim ng umaga.. yung hihiling ka, sana gabi na.
para matutulog na lang ulit.. makakatakas saglit sa kirot na nadarama..
Ikaw ba, nagsisisi ka?
[042814]
No comments:
Post a Comment
Your comment is fully appreciated. Thank you for dropping by! :)